nakakapagod basahin yung title….
nakakapagod din magtype ng ganyan kahabang title para sa post na to..
gusto kong magsulat ng magsulat, pero nakakapagod din naman magisip ng isusulat..
nakakapagod kasing magisip..
nakakapagod isiping may mahal ka, pero may mahal namang iba…
nakakapagod na yung mga ganung senaryo, pero pramis nangyayari yun…
(yung tipong, kung poster sa pelikula ang sinasabi ko, yung bidang lalake, nasa gitna, yakap yung mahal nya, tas sa likod nya nakayakap naman yung nagmamahal sa kanya: ako yun)
nakakapagod yung binibigay mo talaga lahat ng kaya mong ibigay,
(minsan kahit, hindi mo na kaya, pero dahil mahal mo, nagkakameron e.)
ganun ang ibig kong sabihin sa nakakapagod…
pero hindi porke nakakapagod, ayaw ko nang gawin..
kaya titigilan ko muna ang nakakapagod na salitang yan…
minsan, tinatago lang ng salitang pagod yung sakit na nararamdaman natin.
hindi naman kasi sa lahat ng oras, kahit gaano tayo kalakas, kaya natin di ba..
ganun din naman ako.
minsan, hindi lang pala minsan..
lagi pala…
kasi laging andun yung taong mahal nung isang taong mahal mo.
e, martir na at tanga, kung martir at tanga man..
pag mahal mo ang isang tao ganun talaga..
walang basagan ng trip..
wala lang kasi akong makausap tungkol dito kaya,
eto, napagdiskitahan kita, wordpress.
pasensya ka na ha…
buti ka pa,
lagi kang anjan, at alam kong ako lang ang pwedeng mag may-ari sayo..
basta di ko lang kalilimutan ang password.
basta kinailangan kita, ready ka lagi.
minsan nga nakakalimutan na kitang i-open.
tulad nyan, kelan ba yung huli kong post.
sulit naman din at nagko komento yung pinakapaborito kong titser in the whole wide world! (www.motsmots.blogspot.com)
at saka, kahit anong ibato ko sa yo, tinatanggap mo, kahit pa laging sama ng loob ang meron ako..
at higit sa lahat, hindi tulad ko, hindi ka napapagod na pakinggan ako..
at palagay ko naman naiintindihan mo ako..
kahit hindi ko sabihin lahat…
kahit hindi ko i-tayp lahat..
kahit na napapagod na rin ako…

